Guiller & Riva’s Wedding Proposal

0
2682
views

UNEXPLAINABLE FEELING!

Ganito kasi yun sabi nila may product launching daw ang company ni Anne at kailangang mag dress or semi formal meron daw si Rubina ng Robinsons. Ilang beses pa ako cinonfirm ni Shobe para daw maisure na mga names ng aattend sa event. So ok GO na. Then morning nasa mall kami ni Guiller nung Lunch time biglang may tumawag sa kanya SIR NIYA DAW. Sabi may IN HOUSE TRAINING daw sila sa office nila sa Makati then after ikot ng onti sa mall hinatid niya na ako at nag mamadaling umalis. Ako naman nag impake na lang at may FLIGHT kasi kami KINABUKASAN to Seoul. Early evening nag aayos na ako tapos tanong ng Ate ko, “Saan ka pupunta?” Sabi ko “Hindi ko alam kila Anne, sasama lang ako.” Tapos sabi nya MALAY MO PAREHAS TAYO NG PUPUNTAHAN. (Hindi ko na lang pinansin malay ko bang parehas talaga kami ng pupuntahan) HAHAHA On the way to event na kami… Super galing ng mga kakontsaba swear! Kaya pala ang daming STOP OVERSSSSSSSSSS mag mamake up, mag aayos ng dress, mag heheels or nawawala sa daan… Pero yun pala ALL PART OF THE PLAN (kahit alam naman talaga nila yung daan) kasi wala pa yung ate ko sa event siya na lang kulang kasi nga halos sabay lang kami umalis ng condo tapos super traffic pa. Then nung nasa parking na kami ang tagal pa din namin bumaba ng sasakyan. Tumawag pa si Shobe sabi start na daw ung event at kanina pa hinahanap si Anne ng BOSS niya kahit wala naman pala talaga HAHAHA AT ETO NA NGA ANG PROPOSAL… :))) Ang akala ko kami kami lang ng mga friends ko, yun pala sumunod lumuwas si Mama ng hindi ko alam as in wala akong idea na nandun din siya!!! Sa friend niya pala siya nag stay para hindi ko makita as in SURPRISEEE for the Proposal!!! :)))

https://www.facebook.com/RivaCruz/posts/10207575570613686

Sender: Rizza Vanessa Cruz

Names of the engaged couple: Guiller San Pedro and Riva Cruz
Target Wedding Date: Dec 20, 2017
When & Where the Proposal was held: Sept 24, 2016 at Sulo Riviera Hotel

Comments

comments

SHARE